Palitan ng opisyal sa Veterans nauwi sa tensyon

Veterans Fede­ration of the Philippines
(Photo from Biazon's Facebook account

MANILA, Philippines — Nauwi sa girian ang tangkang pagpapaalis sa puwesto kay Veterans Fede­ration of the Philippines (VFP) President Col. Bonifacio de Gracia.

Nabatid na mahigit limang oras ng nagkulong sa kanyang kwarto sa Arroceros Street, Manila si de Gracia sa kabila ng panawagang lisanin na ang kanyang puwesto. ‘Di nagtagal ay isinugod ito sa ospital matapos maninikip ang dibdib.

Unang nanindigan si de Gracia na hindi siya aalis sa kanyang opisina kahit pwersahin pa siyang kaladkarin ng militar at pulis matapos hindi nito kilalanin ang kautusan ni Defence Secretary Delfin Lorenzana na bakantehin ang kanyang posisyon.

Una rito, dumating sa tanggapan ng VFP si DND Undersecretary Ernesto Carolina upang ipaalam kay Col. de Gracia na dapat na itong umalis dahil wala umanong saysay ang election noong nakaraang Disyembre.

Nagsagawa ng vigil ang may 70 mga anak ng beterano para protektahan ang kanilang presidente na pilit papaalisin sa pwesto.

Tinatayang nasa P700 milyon umano ang pondo ng mga beterano na kanilang pinoprotektahan na dapat mapupunta sa tamang kamay kayat naninindigan si de Gracia na kailanman ay legal ang pagluklok sa kanya dahil dumaan sa tamang proseso.

Giit naman ni Usec. Carolina na ipatutupad pa rin nila ang Maximum Tolerance at binibigyan pa rin ng oras si de Gracia na umalis na lamang ng mapayapa upang maging maayos ang lahat ng transakyon ng mga beterano.   

Show comments