MANILA, Philippines — Hindi lang mas mataas na multa ang ipapataw sa mga lalabag sa smoking ban ordinance sa Maynila kundi makakatikim pa ng suntok mula kay Mayor Joseph Estrada.
Ito ang babala ni Estrada kasabay ng paggunita sa “World No Tobacco Day” .
Aabot sa P5,000 at hindi na P500 ang multa sa mga mahuhuling naninigarilyo sa mga pampublikong lugar tulad ng government office, paaralan, ospital, shopping mall at iba pa.
Sinabi ni Estrada na kailangan na maging mahigpit ang implementasyon ng ordinansa upang makamit ang smoking free city.
Aniya, maging siya ay dumanas ng hirap sa pagtigil sa paninigarilyo pero kinaya niya para na rin sa susunod na henerasyon.
Dahil dito, sinabi ni Estrada na isa na siyang ‘born again’. Matapos ang 60 na taong paninigarilyo nagbigay naman sa kanya ng mas maayos na pangangatawan.