Customs Deputy Commissioner sinibak ni Digong!

Si Pangulong Duterte habang kausap sina Customs Chief Isidro Lapeña at Finance Sec. Carlos Dominguez III nang pangunahan ang pagwasak ng P34 milyong halaga ng smuggled motorcycles at luxury cars sa Bureau of Customs, Port Area sa Maynila kahapon.
(Miguel de Guzman)

MANILA, Philippines — Sinibak kahapon ni Pangulong Duterte si Customs Deputy Commissioner Noel Patrick Prudente matapos ang pagsira sa mga smuggled motorcycles at luxury vehicles sa Bureau of Customs (BOC) sa Port Area, Manila.

“I will cut short the agony of Congress. I’m firing him today, Noel Patrick Sales Prudente,” anunsyo ng Pangulo.

Hindi na binanggit ng Pangulo ang dahilan ng pagsibak niya kay Prudente pero ayon kay Special Assistant to the President Bong Go, ang dahilan ay dahil sa maluhong personal na biyahe nito sa Singapore at Europe.

Personal travel to Singapore, personal travel to Europe...,” ayon sa Pangulo.

“I will continue to pursue cases. I am just waiting for the report of the intelligence,” ayon sa Pangulo.

Aniya, gagastusin niya ang pondo ng taumbayan kaysa nakawin pa ito ng mga tiwali.

Matatandaan na nito lamang Pebrero 2018 itinalaga ni Custom Commissioner Isidro Lapeña si Prudente bilang Deputy Commissioner of Management and Information Systems Technology Group.

Samantala, nagkakahalaga ng mahigit P34 milyon o katumbas na mahigit $662,000 ang mga sinirang smuggled na mga sasakyan na kinabibilangan ng may 112 Vespa Scooter, isang BMW motorcycle, 1 Harley Davidson motorcycle, 2 Triumph motorcycle, 1 Mitsubishi Pajero, 2 Land Rovers at isang Volvo na sasakyan.

Show comments