P200K kada araw multa sa pollutants ng Boracay
MANILA, Philippines — Matinding parusa ang igagawad ng Department of the Environment and Natural Resources (DENR) sa mga pollutants ng Boracay island na nagsipaglabag sa Philippine Clean Water Act of 2004.
Ito ang sinabi ni Environment Secretary Roy A. Cimatu nang madiskubre ng mga tauhan ng DENR kasama ng mga elemento ng Philippine Army ang mga illegal pipelines na nakakonekta sa karagatan ng Boracay.
Alinsunod sa naturang batas, ang bawat establishment owners na mapapatunayang may illegal pipelines ay magmumulta ng P200,000 kada isang araw ng paglabag sa batas mula nang mailagay ito hanggang sa kasalukuyan.
Ang illegal pipelines ang daanan ng wastewater na nagtutungo sa karagatan ng Boracay na nagmumula sa mga establisimyento sa isla.
Sinabi ni Cimatu na maaari ring maipasara ng tuluyan o makasuhan ng criminal ang mga establishment owners na ‘di sumusunod sa batas.
Sa ngayon, may 26 illegal pipelines ang nakita sa may 16 establisimyento na nasa tabing dagat ng Boracay.
Related video:
- Latest