^

Bansa

Nasaan ang malasakit sa mahihirap na Pilipino? – Bam

Pilipino Star Ngayon
Nasaan ang malasakit sa mahihirap na Pilipino? – Bam

MANILA, Philippines – Nasaan ang malasakit niyo sa taumbayan?

Ito ang tanong ni Senador Bam Aquino sa pahayag ni Budget Secretary Ben Diokno na hindi dapat maging iyakin ang mga Pilipino sa gitna ng tumataas na presyo ng petrolyo na humahantong sa pagtaas ng presyo ng bilihin at serbisyo.

“Makinig naman kayo sa daing ng taumbayan na nalulunod na sa taas-presyo at nabibiktima pa ng laganap na korapsyon,” wika ni Aquino na isa sa mga komontra sa ratipikasyon ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) Law.

“Kung may kaya ka, matitiis mo pa ang taas-presyo. Pero ang mga nahihirapan at hindi na nakakayanan ang bigat ng presyo, tulungan na lang natin sila sa halip na sumbatan,” dagdag ng senador.

Ayon Aquino, mahihirap na Pilipino ang sasalo sa lahat ng bawat pagtaas ng presyo ng serbisyo ng bilihin dahil sa minadaling reporma.

“Malinaw na hindi nakapaghanda ang pamahalaan para maibsan ang hirap na dulot ng TRAIN. Walang nakahandang salbabida habang marami ang nalulunod sa taas ng presyo,” patuloy ng senador.

“Halos 7.4 milliong pamilya pa ang hindi nakakatanggap ng cash transfer na sinusumbat nila. Saan sila kukuha ng pambayad ng bilihin?” punto niya.

Kamakailan, hinikayat ni Sen. Bam ang Senado na tugunan ang pagtaas ng presyo ng bilihin upang mapagaan ang pasanin ng mga mahihirap na humihingi ng tulong.

Upang mapalakas ang safeguard laban sa pagtaas ng bilihin, isinumite niya ang Senate Bill No. 1798, kung saan hiningi ang rollback ng excise tax sa petrolyo kapag ang average inflation rate ay lumampas sa taunang inflation target sa loob ng tatlong buwan.

TRAIN LAW

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with