MANILA, Philippines – Nagsisinungaling si dating Sen. Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. nang sinabi niya na hindi ginamit ng Commission on Elections ang 25-percent threshold sa awtomatikong pagbibilang ng mga balota noong 2016 elections, ayon kay Vice President Leni Robredo.
Sinabi ni Robredo na ang Comelec records ang nagpapakitang ginamit ang 25-percent noong 2016 samantalang 50-percent threshold naman ang ginamit noong 2010 elections.
"He is lying... because records will show. In fact, the Comelec resolution on this was attached to our pleading,” sabi ni Robredo.
Noong Lunes ay ipinababasura ni Marcos sa Korte Suprema ang apela ni Robredo na gamitin ang 25-percent threshold.
“No categorical declaration in the Comelec Resolution No. 16-0600 that the 25 percent shading threshold was adopted by the Comelec En Banc in determining the valid votes during the judicial recount and revision of ballots in an election protest,” ani Marcos.
Sinabi naman ng election lawyer ni Robredo na si Romulo Macalintal na ang pagbilang sa mga balota na mayroong shade na 25 percent ay nakompirma na ng en banc resolution noong Seytembre 6, 2016 na siyang ginamit sa rekomendasyon ni Commissioner Luie Guia.
Binigyang babala naman ni Macalintal na ang paggamit ng 50-percent threshold ay magreresulta ng disenfranchisement kina Robredo at Marcos.
“The two of us should be the ones complaining because we will both be affected. Some of the votes of our supporters will not be considered because of technicality. It’s surprising that he did not want to know the real sentiments of the people,” ani Robredo.
Iginiit niya na ang mas importante ay malaman kung sino ang napili ng mga botante na hindi kailangang ma-disenfranchised dahil lamang sa hangad ng mga Marcos makuha muli ang kapangyarihan.
“You cannot twist legalities, you cannot twist facts just to get what you want,” dagdag ng bise president.
Sa tanong kung tiwala ba si Robredo sa kanyang pagkapanalo sa recount, sinabi niya na: “Very confident, very confident because there was no cheating that happened.”