MANILA, Philippines — Sinibak kahapon ni Pangulong Rodrigo Duterte ang government corporate counsel na si Rudolf Philip Jurado dahil sa isyu ng katiwalian.
“Are you (Jurado)? If you are here, get out! You are fired,” ayon Kay Pangulong Duterte.
“I have been trying to be patient with everybody, but there’s always opportunity to interpret a law and insist on your stupid proposition until the problem gets out of hand. There are thousands of lawyers waiting for an opportunity to work in the government,” giit pa ni Pangulong Duterte kagabi.
Ito ang naging mensahe kagabi ni Pangulong Duterte matapos lagdaan para maging batas ang Ease of Doing Business Act at Davao Oriental State University sa Malacañang.
Noong nakaraang linggo ay ipinahiwatig na ni Duterte na plano niyang sibakin si Jurado.
Si Jurado ay naging abugado ng actor na si Robin Padilla nang mabigyan ni Pangulo ng executive clemency ito hanggang naitalaga ni Duterte bilang government counsel noong Abril 18, 2017.
Nauna nang Itinanggi ni Jurado ang akusasyon ng katiwalian na paninira lamang sa kanya daw ng mga mga government counsel lawyers na kanyang nasagasaan sa ipinatupad niyang reporma.