Liza Maza pinakamahirap sa Gabinete
MANILA, Philippines — Si National Anti-Poverty Commission Chief Secretary Liza Maza ang “pinakamahirap” na miyembro ng Gabinete ni Pangulong Rodrigo Duterte batay sa P1,186,500 na idineklara niyang yaman niya sa kanyang 2017 Statement of Assets, Liabilities and Net Worth o SALN.
Sa summary ng SALN ng mga miyembro ng Gabinete na isinumite noong Abril 30 alinsunod sa tadhana ng batas, ang net worth ni Maza ay tumaas nang 400 porsiyento mula sa dating P273,629.58 batay sa kanyang SALN noong 2016.
Nananatili namang pinakamayamang opisyal ng Gabinete mula pa noong 2016 si Department of Public Works and Highways Secretary Mark Villar makaraang ireport niya ang kanyang net worth na P1,407,459,436 hanggang noong Disyembre 2017.
Si Mark Villar ang isa sa tatlong anak nina dating Senate President Manny Villar at Senador Cynthia Villar na nagreport ng net worth na P3.611 bilyon hanggang noong Disyembre 2017.
- Latest