1 buwang shutdown sa Boracay Island: Peace and order umiral

Ang anim na buwang shutdown sa Boracay Island ay ipinatupad ng gobyerno noong Abril 26 kung saan patuloy ang clean up drive at pag-aalis ng mga illegal na istraktura at mga lumalabag sa environmental protection sa islang dinarayo ng mga turista.
File Photo

MANILA, Philippines — Naging mapayapa sa pangkalahatan o umiral ang peace and order sa patuloy na ipinatutupad na shutdown sa Boracay Island na nasa isang buwan na kahapon matapos itong isailalim sa rehabilitasyon kaugnay ng maigting na seguridad  sa pamosong isla sa Malay, Aklan.

 Ang anim na buwang shutdown sa Boracay Island ay ipinatupad ng gobyerno noong Abril 26 kung saan patuloy ang clean up drive at pag-aalis ng mga illegal na istraktura at mga lumalabag sa environmental protection sa islang dinarayo ng mga turista.

Sinabi ni Chief Supt. Cesar Hawthorne Binag, Director ng Police Regional Office (PRO), na napanatili ng Metro Boracay  Police Task Force (MBPTF) ang peace and order sa shutdown at rehabilitasyon sa Boracay Island.

Related video:

Show comments