‘Pag nabigo ang peace talk
MANILA, Philippines — Inihayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na kung sakaling hindi magtagumpay ang peace talks sa pagitan ng pamahalaan at ng Communist Party of the Philippines ay maaari muling mag-exile ang founding chairman nito na si Jose Maria Sison.
“I have invited Sison to come home. He has agreed. I gave him a window of two months, very small. Make or break tayo dito… I will see to it and will personally maybe escort him to the airport if nothing happens in two months. I will allow him to go out. I will not arrest him because that’s word of honor,” wika ni Pangulong Duterte kamakalawa sa dinaluhang inagurasyon ng isang tulay sa Davao City.
Winika pa ng Pangulo, handa niyang sagutin ang lahat ng gastos ni Joma Sison kung magpasiya itong umuwi ng bansa para makiisa sa peace talks gayundin ang seguridad nito habang nasa bansa sa loob ng dalawang buwang palugit niya sa muling pakikipagkita at pakikipag-usap sa mga rebelde.