^

Bansa

Solusyon hindi palusot sa mataas na presyo ng bilihin – Bam

Pilipino Star Ngayon
Solusyon hindi palusot sa mataas na presyo ng bilihin – Bam

MANILA, Philippines – Sa halip na magdahilan, nanawagan si Sen. Bam Aquino sa pamahalaan na humanap ng solusyon para mapababa ang presyo ng bilihin at serbisyo dahil sa Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) Law.

Sa kanyang privilege speech nitong kamakalawa, iginiit ni Aquino na lubha nang nabibigatan ang publiko sa mahal na presyo ng bilihin, bukod pa sa nakatakdang pagtaas ng singil sa kuryente at nakaambang dagdag na pasahe sa jeep at LRT.

“Nalulunod na po ang mga mahihirap nating kababayan sa patuloy na pagtaas ng presyo ng bilihin,” wika ng senador na isa sa apat na senador na kumontra sa ratipikasyon ng TRAIN Law.

“Tumataas din ang presyo ng kuryente, ang presyo ng bigas, at humihingi na ng fare hike ang mga jeepney drivers at operators, pati na ang LRT. Kaya naman napakarami na ang umaalma,” dagdag niya.

Ramdam na aniya ng bansa ang epekto ng TRAIN Law sa pagtaas ng presyo ng bilihin at humihingi na ng tulong ang taumbayan mula sa pamahalaan para mapagaan ang kanilang pasanin.

“Habang patuloy ang debate sa mga rason ng pagtaas ng presyo, ang hinahanap ng taumbayan solusyon, hindi po dahilan,” wika ni Aquino na tatakbo para sa ikalawang termino sa 2019.

Naglatag si Aquino ng tatlong solusyon para mapagaan ang pasanin ng mga Pilipino, kabilang ang buong pagpapatupad ng unconditional cash transfer program sa ilalim ng TRAIN Law at pagtugon sa mataas na presyo ng bigas sa merkado.

Ngunit pinakamahalaga sa lahat aniya ang pagsasabatas ng kanyang panukala na suspindihin ang excise tax sa produktong petrolyo sa ilalim ng TRAIN Law kapag umabot ang average inflation rate sa taunang inflation target sa loob ng tatlong buwan.

“Under this bill, when inflation exceeds the target range for three consecutive months, the excise tax on fuel will be rolled back,” patuloy niya.

Isinama ni Aquino ang nasabing safeguard sa deliberasyon ng TRAIN Law, ngunit inalis ang nasabing probisyon sa final draft ng batas sa panahon ng bicameral conference.

TRAIN LAW

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with