MANILA, Philippines — Hindi lamang si dating Tourism Promotion Board chief Cesar Montano ang nalalagay sa kontrobersiya kundi maging si dating Undersecretary of Tourism Advocacy and Public Affairs Katherine de Castro.
Ayon sa isang opisyal ng DoT, iimbestigahan din ng DoT si De Castro na kasalukuyang nasa floating status.
Kinukumpleto na lamang nila ang mga dokumento hinggil sa umano’y mga biyahe nito sa abroad at events na pinasok ni De Castro kung saan kasama nito ang kanyang nobyo.
Nabatid na ang nobyo ni de Castro ay may sariling banda na kinukuha umano ng opisyal upang tumugtog sa mga events.
Madalas din umanong kasama ni de Castro sa mga out of town ang kanyang kasintahan. Nais malaman ng DoT kung dumaan sa proseso ang pagkuha sa banda sa tuwing may events ang DoT.
Hinihintay na lamang ng DoT na magsumite ng courtesy resignation si De Castro. Hindi lamang matanggal si De Castro dahil kaibigan ni Tourism Secretary Berna Romulo Puyat ang ama nitong brodkaster na si Noli De Castro.