Palasyo nabahala sa Chinese bombers sa SCS- Roque

“Walang nakikita si Pangulong Duterte na kag­yat na banta sa aksyon kamakailan ng China sa South China Sea,” sabi ni Roque sa isang pulong-balitaan sa Malakanyang.
File

MANILA, Philippines — Hindi itinuturing na banta sa seguridad ng Pilipinas ang napaulat na aktibidad ng China sa paglapag ng Chinese bombers sa Paracel island sa South China Sea bagaman nababahala rito ang Malakanyang, ayon kay Presidential Spokesman Harry roque.

“Walang nakikita si Pangulong Duterte na kag­yat na banta sa aksyon kamakailan ng China sa South China Sea,” sabi ni Roque sa isang pulong-balitaan sa Malakanyang.

Pero inamin din ng Malacañang na nagpahayag ng pagkabahala ang gobyerno kaugnay sa ulat na Chinese bombers sa South China Sea.

Idinagdag pa ni Roque, dadalhin ng gobyerno ang isyu ng Chinese bombers sa South China Sea sa susunod na bilateral mee­ting ng Pangulo sa Beijing.

Iginiit pa ng presidential spokesman, magugunita na mayroong ASEAN statement noon sa Singapore kung saan ay iginiit ang posisyon laban sa militarization sa South China Sea.

Wika pa ni Roque, sa kasalukuyan ay hindi pa nakikita ni Pangulong Dutete ang pangangaila­ngan upang i-convene ang National Security Council (NSC).

Samantala, inihayag din ng Palasyo na hindi inaabandona ng Pilipinas ang relationship nito sa Estados Unidos.

Show comments