Digong kay Loot: Huwag na tayong maglokohan
MANILA, Philippines — Muling kinastigo ni Pangulong Rodrigo Duterte ang isa sa mga pinaniniwalaan niyang drug lord na si Daanbantayan, Cebu Mayor Vicente Loot.
Sinabi ni Duterte nitong kamakalawa na mayroong kwarto si Loot na punung-puno ng ilegal na droga.
General Loot, your house was flooded with drugs sa isang kwarto. Huwag na tayong maglokohan dito.
P***** i** mo ‘wag mo ako lokohin, l*** ka,” wika ng pangulo.
Handa ang pangulo na patunayan ang kaniyang mga paratang laban sa alkalde na dating heneral ng pulisya.
“I will prove to you that your dead. ‘Wag mo akong lokohin. ‘Wag mo akong --- hindi ako disenteng tao na magsalita ka lang hamunin mong... Hihiritan kita,” patuloy ni Duterte.
Nitong nakaraang linggo lamang ay masuwerteng nakaligtas si Loot mula sa pananambang sa Maya port kung saan sugatan ang kaniyang tatlong tauhan.
Nauna nang pinangalanan ni Duterte si Loot bilang isa sa mga “narco-general.”
Samantala, inulit naman ni Duterte ang pagtitiyak na hindi makukulong ang mga pulis at sundalo na nagsasagawa ng kampanya laban sa ilegal na droga.
“I will never, never allow you to go to jail. ‘Yan ang pangako ko sa military pati sa pulis na matino.”
- Latest