Agot Isidro sa Senado?
MANILA, Philippines – Pinangalanan na ni Liberal Party President Sen. Francis “Kiko” Pangilinan ang mga posibleng kandidato ng koalisyon ng “genuine opposition” sa darating na 2019 midterm elections.
Sinabi ni Pangilinan sa kaniyang panayam sa ANC na kabilang sa kanilang pambato sina Sen. Bam Aquino, Magdalo party-list Rep. Gary Alejano, dating Akbayan party-list Rep. Barry Gutierrez, LP Vice President for External Affairs Lorenzo “Erin” Tañada at De La Salle University College of Law Dean Jose Manuel Diokno.
Sinabi rin ni Pangilinan na hinihikayat nila ang aktres na si Agot Isidro para sumali sa koalisyon dahil kailangan nila ng mga “strong women.” Si Isidro ay madalas na laman ng balita dahil sa pagbatikos niya sa administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte.
“Of course, she’s hesitant but then we said, ‘we need more women to step up.’ She said, ‘you can consider it but let me think about it also.’ So we’re still convincing her,” ani Pangilinan.
Hindi rin inaalis ni Pangilinan na mapasama sa listahan si dating Chief Justice Maria Lourdes Sereno na kalian lamang ay pinatalsik sa puwesto ng kanyang mga kasama sa Korte Suprema.
Samantalang tumanggi naman ang natalong presidential candidate Mar Roxas na tumakbo sa pagkasenador, ayon kay Pangilinan.
“We’ve discussed this with him, he said no. Although there are people who are still trying to convince him,” ani niya.
Binigyang diin ng LP executive na ang “Resistance” coalition ay may hangaring maging “broad and inclusive as possible.”
Inamin naman ni Pangilinan na kailangan ng LP ang ibang grupo para mas maging matibay ang opposition coalition kaya nakikipagusap na sila sa ibanggrupo katulad ng Akbayan, Magdalo, Tindig Pilipinas at Kaya Natin!
“Bottomline is the resistance to the encroachment of China in our sovereign waters, the resistance of extrajudicial killings, resistance to corruption, resistance to our lack of emphasis on creating jobs and addressing the rising prices of goods,” ani niya
Ayon sa Pulse Asia senatorial survey na inilabas noong nakaraang buwan, si Aquino lamang ang kaisa-isang oposisyon na may tyansang pumasok sa top 12.
- Latest