Koko walang sama ng loob

Ginawa ni Pimentel ang naturang pahayag matapos na kumalat ang mga ulat na mayroon nang draft resolution na pirmado ng 14 na mga senador at nagtatakda kay Majority Leader Vicente Sotto III bilang bagong Senate President.
File Photo

MANILA, Philippines — Wala raw sama ng loob si Senate President Aquilino “Koko” Pimentel III sa mga kapwa niya senador sa kabila ng posibleng pagpalit sa kanya bilang lider ng mataas na kapulungan ng Kongreso.

Ginawa ni Pimentel ang naturang pahayag matapos na kumalat ang mga ulat na mayroon nang draft resolution na pirmado ng 14 na mga senador at nagtatakda kay Majority Leader Vicente Sotto III bilang bagong Senate President.

Nabatid na bukas ay magkakaroon ng caucus ang Senate majority bloc para pag-usapan ang nasabing usapin.

Gayunman, sa nga­yon pa lamang, sinabi na ni Pimentel na bukas siya sa anumang magiging pagbabago at wala raw siyang sama ng loob.

Show comments