^

Bansa

Pagbaba sa puwesto, Koko bibigyan ng komite

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
Pagbaba sa puwesto, Koko bibigyan ng komite
Ayon kay Lacson, tiyak na ang pagpapalit ng liderato ng Senado kung saan napagkasunduan ng mayorya na ipalit kay Pimentel si Senate Majority Leader Vicente “Tito” Sotto III.
Geremy Pintolo

MANILA, Philippines — Tiniyak ni Senator Panfilo “Ping” Lacson na ibibigay kay Senate President Aquilino “Koko” Pimentel III ang anumang komiteng magustuhan nitong pamunuan sa sandaling bumaba na siya sa puwesto.

Ayon kay Lacson, tiyak na ang pagpapalit ng liderato ng Senado kung saan napagkasunduan ng mayorya na ipalit kay Pimentel si Senate Majority Leader Vicente “Tito” Sotto III.

“Sa committee napagkasunduan namin na walang gagalaw except kung anong pipiliin na committee ni Sen. Pimentel, yan na lang gagalaw. Ang napag-usapan namin ano ang gusto niyang committee ibibigay namin sa kanya. At lahat kami willing bumitaw sa isang major committee na hawak namin para ibigay sa kanya kung gusto niya,” paniniyak ni Lacson.

Ang tanong na lamang sa ngayon ay kung kailan mangyayari ang pagpapalit sa liderato.

“Ang pinaguusapan na lang is kailan. The resolution is there, pirmado na ng 15 kasi padating si Sen. (Grace) Poe. Sa group, pipirma siya. Ang ‘di lang nakapirma siyempre si Sen. Tito at SP. By tradition, ‘di talaga nagpipirma ang sinong ma-nominate. At usually siya binoboto ng kanyang papalitan. Pero ‘di pa finalized kung kailan isasakatuparan, so ‘di pa rin nakapirma si SP Pimentel,” sabi ni Lacson.

Nilinaw din ni Lacson na hindi “kudeta” ang mangyayari kay Pimentel dahil mananatili pa rin naman itong miyembro ng mayorya at hindi magi­ging minority leader.

Napagkasunduan na rin umano ng mga senador na si Senator Juan Miguel Zubiri ang magiging majority leader dahil mababakante ni Sotto ang nasabing posisyon.

SENATE PRESIDENT AQUILINO “KOKO” PIMENTEL III

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with