^

Bansa

Duterte ‘hands off’ sa rigodon – Ping

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
Duterte âhands offâ sa rigodon â Ping
Ayon kay Lacson, base sa kanyang karanasan, hindi nakialam si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga pagkilos sa Senado.
Geremy Pintolo

MANILA, Philippines — Mismong si Senator Panfilo “Ping” Lacson ang tumiyak na kahit kailan ay hindi nakialam ang Malacañang sa Senado lalo na sa magaganap na pagbabago sa liderato nito.

Ayon kay Lacson, base sa kanyang karanasan, hindi nakialam si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga pagkilos sa Senado.

“Ang experience ko dahil paminsan-minsan nagkakaroon din kami ng pakikisalamuha sa Malacañang kay Pangulong Rodrigo Duterte. Ni minsan ‘di siya nakikialam sa ginagawa namin,” sabi ni Lacson.

Nakatakdang palitan sa puwesto ni Majo­rity Floor Leader Vicente “Tito” Sotto III si Senate President Aquilino “Koko” Pimentel III na nag-iisang miyembro ng PDP-Laban sa Senado at ka-partido ni Duterte.

Ayon pa kay Lacson, ang tanging nagawa lamang ng Pangulo na hindi maituturing na pang­hihimasok ay ang pakiusapan ang Department of Budget na pabilisan ang paglalabas ng pondo para sa mga legislative agenda.

“Minsan pinapakiusap niya ang DBM kung puwede mapadali. Hanggang doon lang kasi legislative agenda naman yan. Pero para makialam siya at manghimasok sa di official o di karapat-dapat na pakialaman, never pa ako nakarinig sa kanya ng ganoon,” sabi ni Lacson.

Kahit aniya sa pag-reject ng makapangyarihang Commission on Appointments (CA) sa mga miyembro ng Gabinete ay hindi nakialam si Duterte.

Samantala, nanini­wala si Lacson na wa­lang magiging epekto sa legislative agenda ang magiging pagpapalit sa liderato ng Senado.

SENATOR PANFILO “PING” LACSON

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with