Miss U hosting ng Pinas stop muna
MANILA, Philippines — Kinumpirma ni Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat na hindi sa Pilipinas gaganapin ang Miss Universe pageant ngayong taon.
Sinabi ni Puyat na hindi raw kaya ng budget ng gobyerno ang muling pag-host sa prestihiyosong pageant.
Uunahin aniya muna nila sa ngayon ang iba pang mahahalagang bagay bukod sa hosting ng Miss Universe.
Una nito, ay binalak ng gobyerno ang muling pag-host ng naturang pageant kung saan sa Boracay pinagpaplanuhang gawin ang isa sa mga category nito upang muling ipromote sana ang isla sa gitna ng six-month closure nito.
Kung maaalala, Enero 2017 lang nang huling tumayong host ang Pilipinas sa Miss Universe, kung saan nanalo ang French beauty queen na si Iris Mittenaere bilang successor ng third Pinay titleholder na si Pia Wurtzbach.
- Latest