MANILA, Philippines — Sisimulan ngayong Martes ng Department of Justice ang premilinary investigation nito sa mga criminal complaint kaugnay ng mga namatay na iniuugnay sa kontrobersiyal na anti-dengue vaccine na Dengvaxia.
Ipinatawag ng mga state prosecutor para dumalo sa pagdinig sa DOJ sa Martes ng umaga sina Ramil Pestilos, Liza Maquilan, Ian Colite, Almer Bautista, Elena Baldonado at Ariel Hedia na pawang mga magulang na nagsasabing namatay ang kanilang mga anak dahil sa Dengvaxia.
Ang mga pamilya ay tinulungan ng Public Attorney’s Office nang magsampa sila ng mga complaints of reckless imprudence resulting in multiple homicide and violations of the anti-torture law laban kina dating Health Secretary Janette Garin, incumbent Health Secretary Francisco Duque, at iba pang opisyal ng Department of Health. Inireklamo rin dito ang mga opisyal ng pharmaceutical giant na Sanofi Pasteur, Inc.