^

Bansa

1,100 pulis nagsilbing Board of Election Inspectors

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
1,100 pulis nagsilbing  Board of Election Inspectors
Ito ang inihayag kahapon ni Philippine National Police Chief P/Director General Oscar Albayalde sa panayam ng PNP Press Corps.
Edd Gumban

MANILA, Philippines — Umaabot sa 1, 100 pulis ang ipinakalat  sa mga polling centers at nagsilbing mga Board of Election Inspectors sa mga lugar na kabilang sa natukoy na hotspots sa bansa kaugnay ng idinaos na halalan nitong Lunes.

Ito ang inihayag kahapon ni Philippine National Police Chief P/Director General Oscar Albayalde sa panayam ng PNP Press Corps.

Ayon kay Albayalde, ang deployment ng mga pulis ay matapos namang tumangging magsilbing BEI’s ang mga guro dahilan sa presensya ng mga armadong grupo tulad ng Abu Sayyaf Group (ASG), Bangsa­moro Islamic Freedom Fighters (BIFF), Private Armed Groups (PAGs ) at iba pa.

Nabatid na dahilan sa mga banta ng mga armadong grupo ay hindi sumipot ang mga gurong dapat magsilbing BEI’s sa eleksyon sa mga polling centers habang ang iba naman partikular na sa Maguindanao ay nag-walkout.

Kabilang sa mga lugar na nagsilbing BEI’s ang mga pulis ay ang sa Sulu, Maguindanao, Lanao del Sur, North Cotabato at Cotabato City na pawang nasa Comelec areas of concern o hotspots.

Ayon kay Albayalde, bago ang halalan ay sinanay ng Comelec sa ilang mga rehiyon ang mga pulis para magsilbing BEI’s  sa halalan.

OSCAR ALBAYALDE

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with