MANILA, Philippines — Labis ang pasasalamat ng mga residenteng nasunugan sa Bahay na Bato, Barangay Tambo, Parañaque City sa pagbisita sa kanila ni Special Assistant to the President Christopher Bong Go.
Namahagi ng relief goods, pera at personal na gamit si Go sa 50 pamilyang nawalan ng bahay.
Bukod sa pamimigay ng relief goods, nakausap din nang personal ni Go ang pamilya ng anim na namatay sa nasabing sunog kung saan binigyan ang mga ito ng financial at burial assistance.
Bago ito ay unang dinalaw ni Go ang mga nasunugan sa Balara, Quezon city kung saan din siya namahagi ng relief goods at iba pang tulong sa mga nawalan ng tirahan.