^

Bansa

NGCP tiniyak na walang blackout ngayong halalan

Mer Layson, Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
NGCP tiniyak na walang  blackout ngayong halalan
Sinabi ni NGCP North Luzon public affairs officer Lilibeth Gaydowen na Marso pa lang ay nakabuo na sila ng ‘contingency measures’ para maiwasan ang pagkaputol ng suplay ng enerhiya na may kina­laman sa transmisyon.
Miguel de Guzman

MANILA, Philippines — Tiniyak kahapon ng National Grid Corporation of the Philippines ang maayos na suplay ng enerhiya sa buong bansa para sa Barangay at Sangguniang Kabataan (SK) elections ngayong Lunes.

Sinabi ni NGCP North Luzon public affairs officer Lilibeth Gaydowen na Marso pa lang ay nakabuo na sila ng ‘contingency measures’ para maiwasan ang pagkaputol ng suplay ng enerhiya na may kina­laman sa transmisyon.

“Takdang pakilusin ng NGCP ang overall command center mula Mayo 11 hanggang 17 para tiyakin ang power transmission operations at facilities,” sabi pa ni Gaydowen. 

Nakaantabay na umano ang lahat ng kanilang ‘line crews, engineers, pilots, maintenance, tes­ting’ at iba pang ‘technical personnel’ sa mga NGCP substations upang mabilis na makaresponde sakaling may maganap na mga ‘line trippings’.

Inihayag din ng pamunuan ng Manila Electric Company (Meralco) na walang magaganap na brownout sa kanilang nasasakupan ngayong araw na ito ng Lunes habang ginaganap ang Barangay at Sangguniang Kabataan election sa buong bansa.

Ayon kay Meralco Spokesman Joe Zaldarriaga, handang-handa na sila at maging ang kanilang mga maintenace crew para sa halalang isasagawa ngayong araw.   

BARANGAY AT SANGGUNIANG KABATAAN

LILIBETH GAYDOWEN

NATIONAL GRID CORPORATION OF THE PHILIPPINES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with