MANILA, Philippines — Nagbukas ng hotlines ang Teachers Dignity Coalition (TDC) para pagsumbungan ng mga guro na makakaranas ng pang-aabuso at pag-alipusta mula sa mga kandidato at kanilang mga supporters ngayong araw ng halalang pambarangay at sangguniang kabataan.
Ayon kay Benjo Basas ng TDC, ang hotlines na kanilang binuksan ay magbibigay ng assistance at protection sa mga gurong makakaranas ng harrasment, intimidation at emergency.
Simula kahapon ng umaga ay binuksan na ng TDC ang kanilang hotline na 024446564 at cell phone number na 0999-974-46-12 at 0916-612-6739
Ang nasabing hotlines ay bukas hanggang matapos ang bilangan at maiproklama ang mga nanalong kandidato sa Barangay at Sangguniang Kabataan.