Delegasyon sa Kuwait pinuri sa ‘job well done’

Ayon kay Pimentel, maganda ang nangyari at dapat bigyan ng papuri ang delegasyon sa pa­ngunguna nina Department of Foreign Affairs Secretary Alan Peter Ca­yetano, Labor Secretary Silvestre Bello at iba pang special enyoy.
File Photo

MANILA, Philippines — Pinuri kahapon ng ilang senador sa pangu­nguna ni Senate President Aquilino “Koko” Pimentel III ang matagumpay na paglagda sa Memorandum of Understanding  (MOU) ng Pilipinas at ng Kuwait tungkol sa pagbibigay ng proteksiyon sa mga overseas Filipino workers sa Kuwait.

Ayon kay Pimentel, maganda ang nangyari at dapat bigyan ng papuri ang delegasyon sa pa­ngunguna nina Department of Foreign Affairs Secretary Alan Peter Ca­yetano, Labor Secretary Silvestre Bello at iba pang special enyoy.

“Job well done” umano ang ginawa ng delagasyon lalo pa’t nadeklarang persona non grata ang ambassador ng Pilipinas sa nasabing bansa matapos kumalat ang video sa ginawang pag-rescue sa isang OFW.

 Umapela rin si Pimentel na iwasan na ang pagpapalabas ng hindi mabuting pahayag na maaring makasakit pa sa gobyerno ng Kuwait at maging ang paglalagay ng mga hindi na kaila­ngang video o larawan sa internet.

Naniniwala naman si Senator Sherwin Gatchalian na maituturing na milestone ang nasabing paglagda na makakatulong sa nasa 260,000 OFWs sa Kuwait.

Ayon pa kay Gatcha­lian, dapat purihin ang mga opisyal na naki­pag-usap sa Kuwait dahil nagawa nila nang maa­yos ang kanilang trabaho sa kabila ng mahirap na sitwasyon. 

Show comments