MANILA, Philippines — Sa pagtatapos ng 25th Cabinet meeting kagabi ay natapos na rin ang serbisyo ni Tourism Secretary Wanda Teo, ayon sa ulat ng STAR.
Hiningi umano ni Pangulong Rodrigo Duterte kay Teo sa kanilang one-on-one talk ang pagbibitiw bilang kalihim ng Department of Tourism (DOT).
Inuulan ngayon ng kontrobersya ang DOT matapos kuwestiyunin ng Commission on Audit ang ad placements sa PTV4, partikular sa programa ng kapatid ni Teo.
BASAHIN: Bitag ibabalik ang P60-M, mister ni Wanda aalis sa TIEZA
Umabot sa P60,009,560 ang inilagay ng kagawaran sa “Kilos Pronto” na palabas ng Bitag Media na pagmamay-ari ni Ben Tulfo.
Sinabi kahapon ni Teo bago ang Cabinet meeting na hindi siya bababa sa pwesto sa kabila ng mga panawagan sa kaniyang pagbibitiw.
Samantala, sinabi ng Bitag na ibabalik na lamang nila ang P60 milyon, habang tuluyan nang aalis sa the Tourism Infrastructure and Enterprise Zone Authority ang mister ni Teo na si Roberto.
Kinamayan pa ni Duterte si Teo nang magkita sa pagpupulong.
Nitong Sabado ay nanawagan si Duterte sa mga tiwaling opisyal ng gobyerno na bumaba na lamang sa pwesto kaysa pahiyain niya ito sa publiko.
Related video: