Bitag ibabalik ang P60-M, mister ni Wanda aalis sa TIEZA
MANILA, Philippines – Matapos kuwestiyunin ng Commission on Audit (COA), ibabalik na lamang ng Bitag Media Unlimited Inc. ang P60 milyon ad placement na inilagak sa kanila ng Department of Tourism (DOT).
Kinumpirma ito ng abogado ni Tourism Secretary Wanda Teo na si Ferdinand Topacio ngayong Lunes.
Hawak ng kapatid ni Teo na si Ben Tulfo ang Bitag Media na blocktimer sa People's Television Network Inc. na pagmamay-ari ng gobyerno.
BASAHIN: DOT ad sisilipin ng Palasyo
Nitong nakaraang linggo ay sinita ng COA ad placement ng DOT sa “Kilos Pronto” na palabas ng Bitag Media sa PTV4 kung saan umabot ang ginastos sa P60,009,560.
Samantala, magbibitiw na rin bilang board member ng Tourism Infrastructure and Enterprise Zone Authority (TIEZA) ang mister ni Teo na si Roberto Teo. Nasa ilalim ng pamumuno ng DOT ang TIEZA.
Nilinaw naman ni Presidential Spokesperson Harry Roque na matagal nang nagbitiw si Roberto Teo sa TIEZA ngunit wala pang pumapalit.
“Apparently Mr. Teo was an appointee of President Aquino into the TIEZA and he has long tendered his resignation, pero walang papalit sa kanya. Pero ngayon, hindi na raw talaga siya a-attend sa meetings,” sabi ni Roque.
Bukod sa TIEZA, board member din ng LBP Leasing and Finance Corp. na nasa ilalim ng Land Bank of the Philippines si Roberto Teo matapos siyang italaga ni Pangulong Rodrigo Duterte noong Hunyo 2017.
Related video:
- Latest