2nd batch ng barangay narco list ilalabas din ng PDEA
MANILA, Philippines — Nakatakda umanong ilabas ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang second batch ng mga pangalan ng elected barangay officials na nasa listahan ng apat na intelligence agencies na sangkot sa iligal na droga.
Sa pahayag ni PDEA Director III Wilkins Villanueva, aabot sa 274 barangay officials pa ang ilalabas ng PDEA central office ano mang araw kapag nakumpleto na ang validated informations sa mga ito.
Inihayag ni Villanueva na mas kinatigan ng Korte Suprema na mabigyang impormasyon ang publiko kaysa maitago ang kinakaharap na mga akusasyon ng naturang public officials.
Ito anya ang dahilan kaya hindi sila natitinag sa mga natatanggap na puna kaugnay sa inilabas sa publiko na unang 207 validated barangay narco-politicans niong Abril 30.
Tiniyak naman ng PDEA na hindi lamang ang paglalabas ng pangalan ang kanilang plano dahil sasampahan din nila ng kasong kriminal ang mga validated narco-politicans.
Magugunitang inilabas ni PDEA Direcror General Aaron Aquino ang listahan ng 207 barangay officials na sinasabing nasangkot sa illegal drug operations.
- Latest