‘1 sa 3 pamilyang Pinoy nakawala sa kahirapan’- SWS

Sa first quarter survey na isinagawa noong March 23-27 ay lumilitaw na 30 porsiyento ng 1,200 respondent ang nagsasabing hindi na nila itinutu­ring na “poor” ang kanilang pamilya na hindi tulad sa nagdaang mga taon.
Michael Varcas

MANILA, Philippines — Isa sa bawat tatlong pamilyang Pinoy ang  nakawala sa kahirapan sa nagdaang mga taon, ayon sa bagong survey ng Social Weather Station na ipinalabas kahapon.

Sa first quarter survey na isinagawa noong March 23-27 ay lumilitaw na 30 porsiyento ng 1,200 respondent  ang nagsasabing  hindi na nila itinutu­ring na “poor” ang kanilang pamilya na hindi tulad sa nagdaang mga taon.

Batay sa resulta, 11.8 porsiyento ang nagsasabing nakawala sila sa kahirapan sa nagdaang apat na taon (newly-non-poor) habang 18.2 porsiyento ang nagsaad na dati silang mahirap may limang taon na o higit pa ang nakakaraan.

Samanta, 27.9 porsiyento ang nagsabing hindi nila naranasan ang kahirapan. Mas mataas ito sa 25.1 porsiyento na nagsabi ng ganito sa naunang survey.

Sa mga nagturing na mahirap ang kanilang pamilya, may 12 porsiyento o isa sa bawat walo ang nagsabing naghirap sila sa nagdaang mga taon.

May kabuuang 6.2 porsiyento ng mga respondent ang nalubog sa kahirapan sa nagdaang apat na taon (newly poor) habang 6.3 porsiyento ang nagsabing hindi mahirap ang kanilang pamilya limang taon o higit pa ang nakakaraan.

Show comments