Bato sa high-profile inmates ng Bilibid: Ako ang siga dito
MANILA, Philippines – Hinarap ni Bureau of Corrections (BuCor) chief Ronald “Bato” dela Rosa ang high-profile inmates ng New Bilibid Prison sa Muntinlupa City.
Binisita ni dela Rosa ang mga preso sa maximum compound ng Bilibid upang paalalahanan kung sino ang dapat masunod sa lugar.
“Ako ang siga dito, naintindihan mo? Ako ang siga dito, hindi kayo, kaya ako ang masusunod dito” sabi ni dela Rosa.
“Huwag ninyong isipin na drug lord kayo, may pera kayo, mayaman kayo, kayan ninyong takutin ‘yung mga gwardiya o ako,” dagdag niya.
Bago mapunta sa BuCor ay naka halos dalawang taon si dela Rosa bilang hepe ng Philippine National Police kung saan sila ang nanguna sa pagpapatupad ng operasyon kontra ilegal na droga ng administrasyong Duterte.
Ilang beses nabatikos ang gobyerno at ang PNP dahil sa libu-libong nasawi sa drug war.
“Kaya ninyo ako takutin? Tingnan natin kung hanggang saan abilidad ninyo kung gaano kayo kasiga. Hinarap ko kayo dito para makapag-usap ng lalaki sa lalaki,” patuloy ni dela Rosa.
Tinanong ng hepe ang mga preso kung kaya nilang ihinto ang ilegal na droga na tinugunan naman ng lahat.
Related video:
- Latest