Boracay ipasasara nang tuluyan
‘Pag pinilit pabuksan agad
MANILA, Philippines — Nagbabala kahapon si Pangulong Duterte sa mga kritiko ng pagpapasara sa Boracay Island na huwag siyang piliting ipasara ng permanente ang isla.
Sinabi ni Pangulong Duterte, na huwag mainip at hayaan lang na malinis muna ang isla at ibabalik din sa tao.
Ayon kay Pangulong Duterte, nananatiling forestal at agricultural area ang isla at kailangan ng batas o proklamasyon para maglalaan ng bahagi nito para sa komersyo.
Kaya huwag daw subukang piliting pabuksan agad uli ang isla kundi isasara niya ito ng tuluyan at isailalim ang buong isla sa land reform.
“Hintayin lang ninyo. Do not be impatient. ‘Pag nalinis ‘yan, ibigay ko uli sa tao ‘yan. But you know, do not put us in a corner. You box me in. Remember, I’m telling you now, as I have said before, the entire island still considered forestal and agricultural,” paliwanag ng Pangulo.
“It would need a law or a presidential proclamation to segregate. Wala pa kong napirmahan. Neither sabi ni President Gloria Arroyo na wala silang pinirmahan na… Setting aside a portion of the island as open to commerce, commercial area. Huwag kayong magpilit. Because ‘pag nagkagulo diyan, sarahan ko. As I have said, ang utak ko is I want to declare the entire island a land reform area. Ibigay ko na lang sa Pilipino. How much? Five? Kikita tayo ng five million,” giit pa ni Pangulong Duterte.
- Latest