Digong bibisita sa Phl Rise
MANILA, Philippines — Nakatakdang bisitahin ni Pangulong Duterte ang Philippine Rise sa susunod na linggo pagkatapos niyang dumalo sa 32nd ASEAN Summit sa Singapore.
“Next week I’m going to Benham Rise and I will make a statement there that nobody but nobody owns this place (but the Philippines,)” wika ng Pangulo.
Sinabi pa ng Pangulo, nakahanda siyang sumabak sa giyera upang protektahan lamang ang Philippine Rise.
“Nobody but nobody owns this place inc. the continental shelf… and if it extends to San Francisco Bay, San Franciso Bay is a property of the Republic,” giit pa ni Pangulong Duterte.
Samantala, sinabi rin ng Pangulo sa nasabing okasyon na wala ng quota sa pag-angkat ng bigas ang mga traders.
“To the traders and the business, I have done away with the quota-quota. You can import rice, all of you. No more paperwork,” paliwanag ni Duterte.
- Latest