Aiza Seguerra sabit sa magastos na meryenda?

Nabatid na ni-review ng auditors ang petty cash vouchers ng NYC noong nakaraang taon kung saan ang singer-actress na si Aiza Seguerra pa ang namumuno noong sa komisyon.
Geremy Pintolo

Youth body sinita ng COA

MANILA, Philippines — Sinita ng Commission on Audit ang National Youth Commission dahil sa mga hindi otorisadong gastos sa  meryenda.

Nabatid na ni-review ng auditors ang petty cash vouchers ng NYC noong nakaraang taon kung saan ang singer-actress na si Aiza Seguerra pa ang namumuno noong sa komisyon.

Nadiskubre dito na sa 126 meetings na idinaos ng NYC noong 2017, gumastos ito ng 296,968 pesos para sa pagkain at snacks.

Subalit 112 dito na ang snacks ay ginastusan ng P268,068 ay hindi naman opisyal.

Ang payment cash voucher umano para sa mga ito ay walalang pirmadong notice of meeting o office orders.

Ang notice of meeting ang basehan para masabi na ang gastos ay awtorisado dahil malinaw dito kung para saan ito at sino ang mga participants.

Dahil walang ganitong dokumento, idiniin ng COA na ang gastos sa karamihan ng meals and snacks ng NYC sa mga meeting nito ay unnecessary expenditure.

Show comments