^

Bansa

600 sundalo, pulis magbabantay sa Boracay

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
600 sundalo, pulis  magbabantay sa Boracay
Sinabi ni Supt. Cesar Binag ng Western Visayas Police, na mayroong 630 na miyembro ng Joint Task Force Boracay ang itinalaga para magbantay sa isla habang isinasagawa ang clean-up at rehab.
KJ Rosales

MANILA, Philippines — Tinatayang may 600 pulis, sundalo at ilang grupo ang magbabantay sa Boracay sa loob ng anim na buwan habang isinasailalim ito sa rehabilitasyon.

Sinabi ni Supt. Cesar Binag ng Western Visayas Police, na mayroong 630 na miyembro ng Joint Task Force Boracay ang itinalaga para magbantay sa isla habang isinasagawa ang clean-up at rehab.

Sisimulang isara ang Boracay sa Abril 26 at tinata­yang aabutin ito ng hanggang anim na buwan.

Kabilang umano sa mga miyembro ng Task force ay mula sa regional police, Armed Forces of the Philippines, Philippine Coast Guard, Bureau of Fire Protection at civic groups.

Magkakaroon naman ngayong araw ng security protocols ang Department of Interior and Local Go­vernment, Department of Tourism at ang mga otoridad sa Boracay.

Mula sa Caticlan Jetty port ay maglalagay sila ng command at action center na siyang magtse-check at validate sa mga gustong pumasok sa Boracay.

Kailangan naman dumaan sa single entry at exit point ang mga residente, manggagawa, miyembro ng rehabilitation team at media sa Caticalan Jetty port bago magtungo sa isla.

Related video:

PULIS

SUNDALO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with