^

Bansa

LTFRB kinastigo sa cancelled rides ng Grab

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
LTFRB kinastigo sa  cancelled rides ng Grab
Ayon kay Nograles, 2015 pa ng ipag-utos ng LTFRB sa Grab na alisin ang kanilang feature na maaaring tumanggi sa mga pasahero.
File

MANILA, Philippines — Kinastigo ni PBA partylist Rep. Jericho Nograles ang Land Transportation Franchising Regulatory Board (LTFRB) dahil sa hindi pagsunod sa kanila ng Grab Philippines na alisin ang kanilang features na maaa­ring tumanggi sa mga pasahero sa kabila ng kautusan ng ahensiya.

Ayon kay Nograles, 2015 pa ng ipag-utos ng LTFRB sa Grab na alisin ang kanilang feature na maaaring tumanggi sa mga pasahero.

Paliwanag ng kongresista, ang specific instruction ay tanggalin ang capacity para malaman ang destinasyon ng mga pasahero at ang halaga ng trip dahil naniniwala ang LTFRB na ang driver, kung alam nila ang destination at yung trip, ay magiging dahilan ito para tumanggi na sa pasahero.

Subalit magta-tatlong taon na umano simula ng ipag-utos ito noong 2015 subalit hanggang ngayon ay hindi pa rin umano ito naipapatupad ng Grab.

Idinagdag pa ni Nograles na kung ang driver mismo ang magkakansela ng kanilang trip ay maapektuhan ang kanilang internal point system at maaari rin itong maging kasiraan ng driver na magiging dahilan para hindi nila ma-avail ang incentives mula sa Grab.

Dahil dito kaya ayaw umano ng driver na mag-cancel at ang mga pasahero nila ang pinagkakansela.

Ginawa ng mambabatas ang pahayag matapos na maobserbahan na ilang Grab driver ay pinakakansela sa mga pasahero ang kanilang booking para hindi sila maparusahan ng kanilang kumpanya.

GRAB PHILIPPINES

JERICHO NOGRALES

LAND TRANSPORTATION FRANCHISING REGULATORY BOARD

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with