NFA rice, mabibili na ulit sa mga palengke simula Mayo
MANILA, Philippines — Mabibili na ulit sa mga palengke at pamilihan sa bansa ang mura at may magandang kalidad na NFA rice simula sa Mayo.
Ito ang inanunsyo ng National Food Authority (NFA) dahil paparating na ngayong buwan ang may 250,000 metric tons ng imported na bigas na pupuno sa buffer stock ng gobyerno.
Ang naturang mga bigas ay mula sa mga bansang Vietnam at Thailand, ang tanging mga bansa na may Rice Trade Agreement sa Pilipinas sa kasalukuyan.
“As soon as the stocks arrive, NFA will focus on immediate distribution. We assure that the rice will be quickly made available to areas in most need of government support, especially highly populated cities where poverty rate is high, in poor provinces, and in island municipalities across the country,” pahayag ni NFA administrator Jason Aquino.
Sinabi pa ni Aquino na ang NFA ay magpapatupad ng pinatinding market monitoring at enforcement para matiyak na ang murang bigas ay mapupunta sa mga mahihirap.
Nananatili sa halagang P27 at P32 kada kilo nationwide ang bentahan ng NFA rice.
- Latest