Sara Duterte, Erwin Tulfo, Bato pasok sa ‘magic 12’ - Pulse Asia

Nasa 1,200 ang bilang ng sinurvey na pinamili sa 58 na pangalan ng mga posibleng kumandidato.
File

MANILA, Philippines — Malaki ang tiyansang manalo sa senatorial elections sina Davao City Mayor Sara Duterte, da­ting PNP chief Gen. Ro­nald “Bato” dela Rosa at broadcaster Erwin Tulfo kung ngayon gagawin ang halalan, ayon sa Pulse Asia survey na inilabas kahapon.

Nasa 1,200 ang bilang ng sinurvey na pinamili sa 58 na pangalan ng mga posibleng kumandidato.

Nanguna si Sen. Grace Poe na nakakuha ng 70.8 porsiyento na sinundan ni Sen. Cynthia Villar, 55.6 percent. Pasok din si dating senator at ngayon ay Taguig Rep. Pia Cayetano, 53.8 %.

Nasa pang-apat na puwesto si Sen. Nancy Binay, kasunod sina Senator Sonny Angara at Sara Duterte na pang-anim. Sinundan sila ni Senate President Aquilino “Koko” Pimentel III, Sergio Osmeña, Lito Lapid, Erwin Tulfo, Jinggoy Estrada, Ilocos Norte Governor Imee Marcos, Sen. Paolo Benigno “Bam” Aquino, at Sen. Joseph Victor Ejercito.

Ginawa ang survey mula Marso 23 hanggang 28, 2018.

Show comments