Filing ng COCs sa Barangay, Sangguniang Kabataan pinalawig hanggang ngayon

Ayon kay Comelec Commissioner Rowena Guanzon, extended hanggang alas-5:00 ng hapon ngayon, April 21, ang filing COC.
Edd Gumban

MANILA, Philippines — Pinalawig ng Commission on Elections ang paghahain ng Certificate of Candidacy (COC) para sa Barangay at Sangguniang Kabataan elections.

Ayon kay Comelec Commissioner Rowena Guanzon, extended hanggang alas-5:00 ng hapon ngayon, April 21, ang filing COC.

Kahapon alas-5:00 dapat ang deadline sa paghahain ng COC para sa mga nais na kumandido sa Barangay at SK elections sa May 14.

Bago ito, nag-tweet si Guanzon na mababa ang turnout ng COC filing.

Sa Comelec Arroceros sa Maynila, kakaunti lang din ang mga humabol para sa huling araw ng paghahain ng COC lalo na sa SK elections.

Show comments