MANILA, Philippines — Naghahanda na ang Department of Foreign Affairs (DFA) para sa biyahe ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Kuwait.
Ayon kay DFA Secretary Alan Peter Cayetano, malamang sa darating na Mayo na pupunta ang Pangulo sa Kuwait, dahil ngayong Abril ay loaded ang schedule nito.
Magtutungo ang Pangulo sa Kuwait upang saksihan ang pagpirma sa kasunduan para tiyakin ang protection ng mga Pinoy workers.
Nais din ng Pangulo na may probisyon ang kasunduan na magiging maayos ang labor condition sa mga Pinoy worker at bibigyan ang mga ito ng rest day.