^

Bansa

Tiwaling kandidato 'wag iboto sa barangay, SK polls - Martin Diño

Pilipino Star Ngayon
Tiwaling kandidato 'wag iboto sa barangay, SK polls - Martin Diño

MANILA, Philippines -- Nanawagan si Department of the Interior and Local Government Undersecretary for Barangay Affairs Martin Diño sa publiko na huwag iboto sa darating na halalan ang mga tiwaling kandidato.

“May mga kapitan dyan na nagkabahay lang nang tumagal na sila sa pwesto," wika ni Diño.

Hindi naman pinangalanan ni Diño ang mga tinutukoy niyang kapitan ng barangay.

BASAHIN: 289 barangay officials na nasa ‘narco list’ papangalanan ng PDEA

“Problema na ng botante yan kung ire-elect pa nila ang corrupt barangay officials," dagdag ng undersecretary na dating kapitan ng barangay.

Samantala, ilalabas ng Philippine Drug Enforcement Agency ang listahan ng mga barangay officials na kabilang sa "narco list."

Sinabi ng PDEA na nasa 289 na pangalan ang kanilang ilalabas upang hindi sila manalo.

“We have to publish their names so that if they are candidates now for the upcoming SK and barangay elections, hindi sila iboto,” pahayag ng hepe ng PDEA chief Aaron Aquino.

“Actually they are there to help the government campaign in the anti-illegal drugs pero wala eh, they are into illegal drugs by way of trading, using and protectors, so what shall we do – the people and the constituents should know they are not worthy to be voted anymore,” dagdag niya.

 

vuukle comment

BARANGAY SK ELECTIONS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with