^

Bansa

De Lima kabilang sa world’s greatest leaders ng Fortune Magazine

Pilipino Star Ngayon
De Lima kabilang sa worldâs greatest leaders ng Fortune Magazine
Nakakulong ngayon si Sen. Leila de Lima sa PNP Custodial Center.
PRIB/Joseph Vidal

MANILA, Philippines — Isinama ng New York-based business magazine na Fortune si Sen. Leila de Lima sa “World’s 50 Greatest Leaders.”

Nasa ika-39 na pwesto ang nakakulong na si de Lima na isa sa matitinding kritiko ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Nakasama ang senadora dahil sa patuloy niyang pagtutuligsa sa extrajudicial killings sa bansa mula nang ilunsad ni Duterte ang kampanya laban sa ilegal na droga.

“President Rodrigo Duterte’s hard-line policies against drug dealers are polarizing globally, but in the Philippines they’ve faced little dissent. De Lima, who headed a committee investigating hundreds of extrajudicial killings under Duterte’s leadership, has been a noble exception,” nakasulat sa magazine.

Nakakulong si de Lima sa Philippine National Police custodial center dahil sa ilegal na droga. Bago siya makulong ay pinatalsik siya ng Senado sa komite na nag-iimbestiga sa mga pagpatay.

Hindi ito ang unang pagkakataon na kinilala ang tapang ni de Lima. Nakasama na siya sa 100 Most Influential People by Time Magazine, habang nasa notable Women Human Rights Defenders in 2017 ang senadora ng Amnesty International.

Pasok din siya sa 2016 at 2017 Leading Global Thinkers ng Foreign Policy Magazine at Southeast Asia’s Women to Watch ng Diplomat Magazine.

Ilan sa mga kasama ni de Lima sa Fortune Magazone sina Bill at Melinda Gates, South Korea President Moon Jae-in, TV host Oprah Winfrey, New Zealand Prime Minister Jacinda Arden.

FORTUNE MAGAZINE

LEILA DE LIMA

WAR ON DRUGS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with