100 kandidato sa Bgy. Elections dinisqualify ng Comelec

MANILA, Philippines — Aabot sa mahigit 100 mga kandidato ang pinagbawalan nang tumakbo sa halalan at humawak ng posisyon sa pamahalaan.

Ito’y matapos silang i-disqualify ng Commission on Elections (Comelec) dahil sa kabiguang maghain ng Statements of Contributions and Expenditures o SOCE sa mga nakalipas na eleksyon.

Pagtitiyak naman ni Comelec spokesperson James Jimenez, dumaan sa tamang proseso ang naging pasya ng ahensiya.

Kasabay nito, pinaalalahanan ni Jimenez ang mga kandidato para sa barangay at Sangguniang Kabataan elections ngayong Mayo 14 na siguraduhin ang paghahain ng SOCE.

Ani, Jimenez kung totoo ang hangarin ng mga kandidato na magserbisyo, dapat lamang na totoo din ang pagdedeklara ng mga ito ng dokumento na kailangan sa kanilang kandidatura.

Show comments