Walang EO sa endo

MANILA, Philippines – Hindi maglalabas ng executive order (EO) si Pangulong Rodrigo Duterte upang pigilan ang “end of contract” o endo sa bansa.

Sinabi ni Labor Secretary Silvestre Bello III na hindi na maglalabas ng EO laban sa endo si Duterte matapos siyang makapulong at si Executive Secretary Salvador Medialdea.

Dahil dito at hihintayin na lamang ng pangulo ang na maipasa ang panukalang batas tungkol dito.

Isa ang pagwawakas sa endo sa mga ipinangako ng pangulo noong panahon ng kampanya na matagal nang inaasahan ng mga manggagawa.

Inaasahan naman ang malawakang kilos-protesta sa araw ng mga manggagawa sa Mayo 1.

 

Show comments