^

Bansa

Galvez umupo na bilang AFP chief

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Pormal nang iniluklok kahapon bilang ika-50 Chief of Staff ng Armed Forces of the Philippines (AFP) si Lt. Gen. Carlito Galvez Jr.

Sa kaniyang talumpati, sinabi ni Galvez na gagawin niya ang lahat ng kaniyang makakaya upang maisakatuparan ang nasabing misyon kasunod ng pagkakatalaga rito bilang bagong pinuno ng 125,000 malakas na puwersa ng tropa militar.

Pinalitan ni Galvez ang nagretirong si Gen. Rey Leonardo Guerrero sa ginanap na turnover ceremony kahapon sa Camp Aguinaldo kung saan si Pangulong Duterte ang panauhing pandangal.

“For decades Filipinos had been fighting against fellow Filipinos, the CPP-NPA-NDF has long brought misery and (result?) imnity among our people. the Abu Sayyaf and other local terrorist groups have long held community in the grip of terror, Daesh and ISIS ( terrorists) and the battle of Marawi have just very recently shown us how trully destructive violent extremism can be,” pahayag ni Galvez.

Bago nahirang si Galvez sa puwesto ay nagsilbi itong commander ng AFP Western Mindanao Command na namuno sa 5 buwang operasyon ng militar sa Marawi City noong Mayo 23 ng nakalipas na taon.

Ang insidente ay siya ring nagbunsod upang isailalim ni Pangulong Duterte sa  martial law ang buong rehiyon ng Mindanao.

ARMED FORCES OF THE PHILIPPINES

CARLITO GALVEZ JR.

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with