MANILA, Philippines — Hiniling ng Lawyers for Commuters Safety and Protection (LCSP) sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na linawin sa publiko kung ano ang patakaran sa pagkakaloob ng student discount sa mga mag-aaral.
Sinabi ni Atty Ariel Inton, founding President ng LCSP, mas kailangang maipaliwanag ng LTFRB ngayon kung ang ipinaiiral na student discount ay para lamang sa mga mag-aaral na naka-enrol sa paaralan ngayong summer o para sa lahat ng mag-aaral na sasakay ng alinmang pampasaherong sasakyan.
“Bakasyon na pero entitled ka pa ba sa student discount ang mga mag-aaral? Noong october 2017 ay naglabas ng memorandum circular ang LTFRB na ?2017 -024 na pinalawig ang coverage ng dicount.
Ang dating “during school days” lang na puwedeng discount ay ginawang “?Monday to Sunday including summer break at holidays”.
“Ibig sabihin kahit walang pasok ay entitled ang mga students ?sa 20 percent dicount sa mga pampublikong sasakysn papasok man siya o hindi. Magandang balita yan pero mukhang nagdulot ng kalituhan ngayon na sa tingin ko ay dapat mailinaw ng LTFRB,” pahayag ni Inton.