MANILA, Philippines – “It was not the military who arrested the Catholic nun. It was upon my orders implemented by the Bureau of Immigration, and I take full responsibility.”
Ito ang pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte tungkol sa pagkakakulong ng Australian nun na si Patricia Fox dahil sa umamo’y paglabag sa pagbabawal na paglahok ng mga dayuhan sa mga kilos-protesta sa bansa.
Sinabi ni Duterte ngayong Miyerkules na may kapangyarihan siya upang arestuhin ang 71-anyos na madre na naaresto nitong kamakalawa.
Kaagad naman niyang nilinaw ang kautusan na imbestigahan lamang ang madre at hindi ikulong.
“I ordered her to be investigated not arrested, for a disorderly conduct,” sabi ng pangulo sa change of command ceremony ng Armed Forces of the Philippines sa Camp Aguinaldo.
Sinabi ni Duterte na marumi ang bibig ng madre at wala itong karapatan na batikusin siya.
Nakalaya kahapon si Fox matapos maipakita ang kaniyang missionary visa.