HRW: Bato dapat managot sa drug war deaths

MANILA, Philippines — Bababa na sa pwesto si Philippine National Police chief Ronald “Bato” dela Rosa bukas ngunit nais ng isang rights watchdog na managot ang hepe sa libu-libong namatay sa kampanya laban sa ilegal na droga ng gobyerno.

“When Ronald dela Rosa retires on Thursday as director general of the PNP, he will leave behind a police force with a sordid human rights record unmatched since the Marcos dictatorship,” pahayag ni HRW Asia Division researcher Carlos Conde.

“He slammed calls by lawmakers for an investigation into the killings as ‘legal harassment,’ saying it ‘dampens the morale’ of police officers,” dagdag ni Conde.

Mula ng ilunsad ang war on drugs ay hindi na nilubayan ng batikos ang gobyerno dahil na rin sa dami ng bilang ng mga nasasawi.

Inihayag naman din ng International Criminal Court ang kanilang preliminary investigation sa drug war ni Pangulong Rodrigo Duterte.

“These developments suggest that sooner or later, dela Rosa may be held to account for the bloody campaign he so zealously endorsed,” patuloy ni Conde.

Sinabi ni dela Rosa na wala siyang pinagsisisihan sa pagtatapos ng halos dalawang taong niyang pamumuno sa PNP dahil ginawa niya ang lahat ng makakaya.

Iiwan niya ang kapulisan matapos maabot ang mandatory retirement age na 56.

Hindi pa ito rito matatapos ang paninilbihan ni dela Rosa sa gobyerno dahil pamumunuan naman niya ang Bureau of Corrections.

 

 

Show comments