(As released)
MANILA, Philippines — Para sa isang lehitimong sector ng paggawa tulad ng service contracting, ang buhay ng mga kumpanya sa ilalim nito ay nakadepende sa kung gaano kasaya ang kanilang mga empleyado.
Ito ang dahilan kung bakit sinisiguro ng mga service contractors na ang kanilang mga manggagawa ay may job security at tumatanggap ng mga pinansiyal na benepisyo upang maging kuntento sila at mag-trabahong may dangal.
At sa pagtatrabaho sa service contracting industry, magagawa nilang makapagbayad ng upa sa bahay, mapag-aral ang kanilang mga anak, at makapaglagay ng pagkain sa mesa.
Ngunit hindi lahat ay may alam na ang mga service contracting companies ay tumutugon at kadalasan ay hinihigitan pa ang mga itinakdang bagong Department Order (DO) No. 174, na inilabas ng Department of Labor and Employment (DOLE) noong nakaraang taon.
Ilan sa mga ito ang “security of tenure,” kung saan ang work status ng isang empleyado ay protektado. Sa ilalim ng DO 174, ang karapatan ng mga manggagawa sa trabaho. Sinisiguro itong masunod ng mga service contractor sa pamamagitan ng isang “probationary-to-regular employment arrangement” dahil ang “co-terminus engagement” sa service contract ng employer at ng principal ay tinanggal na.
Kahit ang panahon para hanapan ng service contractor ng trabaho ang isang natanggal na empleyado ay mas pinaikli pa mula sa anim na buwan at naging tatlong buwan na lamang. Ang lahat ng ito ay sinusunod ng mga kumpanya sa ilalim ng service contracting industry.
Maliban sa job security, ang mga batas sa pasahod na itinakda ng National Wages and Productivity Council ng DOLE pagdating sa minimum wage requirement, at iba pang mga benepisyo na iniuutos ng gobyerno, ay ipinagkakaloob ng mga service contractor, kahit na noong araw pa.
Mayroon na silang benepisyo na natatanggap mula sa Social Security System (SSS), Pag-IBIG o ang Home Development Mutual Fund, at PhilHealth. At tulad ng mga regular na empleyadong mga principal, ang mga empleyado ng service contracting companies ay tumatanggap din ng bayad na sick at vacation leave, maternity at paternity leave, service incentive leave, lalo ang 13th Month Pay.
Dahil sa mga ito, ang mga empleyado ng service contracting industry ay hindi na naiiba pagdating sa tamang pasahod at iba pang benepisyo na itinakda ng batas tulad ng tinatanggap ng mga regular na empleyado.
At para sa iba, tinitingnan nila ang pagtatrabaho sa sector ng service contracting sector bilang stepping stone upang mas lalong matuto sa trabaho ng nais nila at mapaunlad pa ang kanilang mga kakayahan sa trabaho, sa pag-asang mapabilang na regular na empleyado sa principal ng service contractor.
Ang lahat ng ito ay nagiging dahilan upang makapagdulot ng isang positive business environment dahil mas maraming tao na ang may trabaho, at sa isang banda, nakakapag-ambag ang service contracting industry pagdating sa paglikha ng trabaho at nakakatulong din sa mga programa ng gobyerno tungo sa national economic development.
Subalit hindi lang mga empleyado ang nakakatanggap ng mga benepisyo ng service contracting kundi mga employer din. Mula pa noong 1960s ay ginagawa na sa Pilipinas ang service contracting.
Sila ang nagbibigay ng mga trabahador sa maraming industriya sa pribadong sector tulad ng pharmaceutical, food and drug, construction, hospitality at banking industry, at maging sa ilang sangay ng gobyerno.
Sa pamamagitan ng engagement sa mga service contractor, ang mga negosyante ay mayroong flexibility, at nagagawa ang trabahong madali at mas magandang resulta. Matutugunan din ng mga kumpanya na partner ng service contractor ang mga madaliang pangangailangan na hindi kayang gampanan ng kanilang mga regular na empleyado, at tuloy-tuloy pa din ang operasyon ng kumpanya kung sakaling ang mga regular na empleyado ay maging absent pansamantala.
Ang mga export-oriented nakumpanya ay nakikitang mas makikinabang sa service contracting dahil sa mas madali silang makakapag-adjust sa market demand at condition na hindi kinakailangang mag-alala pagdating sa pangangailangan sa manpower.
Ang pagpapatigil sa service contracting ay hindi magiging madali, at maaaring magdulot ng masamang kahihinatnan hindi lang sa sektor ng paggawa dahil maraming mawawalan ng trabaho, kundi sa ekonomiya na din at global competitiveness ng Pilipinas kung matutuloy ito.
Ang pag-alis ng service contracting ay pwedeng makasama pa kaysa makabuti. Nakasalalay dito ang kapakanan ng bansa at ng mga Pilipino kung kaya lahat ay dapat na may sapat nakaalaman tungkol dito.