^

Bansa

Watch list ng DOJ unconstitutional – SC

Pilipino Star Ngayon
Watch list ng DOJ unconstitutional – SC

MANILA, Philippines — Hindi naaayon sa Saligang Batas ang pagpapalabas ng watch list order ng Department of Justice, ayon sa Korte Suprema ngayong Martes.

Naging unanimous ang botohan ng mataas na hukuman laban sa kautusan na nilalabag ang karapatang makapagbiyahe ng isang tao.

Sinabi ng Korte Suprema na hindi maaaring harangin ng DOJ ang paglabas sa bansa ng sinuman nang walang utos mula sa korte.

Nagsimula itong ipatupad sa ilalim ng pamumuno ni dating Justice Secretary at ngayo’y Sen. Leila de Lima noong 2010.

Naipatupad naman ang immigration look out bulletin (ILOB) orders sa pamumuno ni dating Secretary Vitaliano Aguirre II kung saan inaatasan ang immigration officers na iulat sa DOJ ang paglabas sa bansa ng mga taong nasa watch list.

Kapag naharang ang taong nasa ILOB ay kinakailangan munang makakuha ng clearance siya DOJ bago makaalis.

Dinesisyunan ito ng Korte Suprema sa apela ni Pampanga Rep. Gloria-Macapagal Arroyo at dating first gentleman Mike Arroyo noong 2011.

Sinabi ng mga Arroyo na nalabag ang kanilang karapatan nang harangin sila palabas ng bansa.

 

DEPARTMENT OF JUSTICE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with