Pagbalik ng peace talks inihahanda

Ito ang inihayag ni Government Peace Panel Chief at Labor Secretary Silvestre Bello III matapos na sabihin ni Pangulong Rodrigo Duterte na bukas siya sa panunumbalik ng peace talks.
Boy Santos

MANILA, Philippines — Pinaghahandaan na ng government peace panel ang pagbabalik sa negotiating table ng pamahalaan at National Democratic Front of the Philippines (NDFP).

Ito ang inihayag ni Government Peace Panel Chief at Labor Secretary Silvestre Bello III matapos na sabihin ni Pangulong Rodrigo Duterte na bukas siya sa panunumbalik ng peace talks.

Gayunman, wala pang ibinigay na detal­ye si Bello kung kailan ang eksaktong petsa sa muling pagbubukas ng negosasyon.

Kasabay nito, binig­yang diin naman ni Bello na dapat magpakita na ng sinseridad ang komunis­tang grupo sa pagbabalik ng usapang pangkapa­yapaan.

Show comments